Ganito magbigay ng masamang balita...
Kumiriring ang telepono ng madaling araw...
KATIWALA: Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo.
CARLOS: O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
KATIWALA: Uhm, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.
CARLOS: 'yung parrot kong si Pikoy, patay?! 'yung nanalo sa bird show?!
KATIWALA: Opo, Master Carlos, 'yun na nga po.
CARLOS: Putris... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?
KATIWALA: Eh, kumain po kasi ng bulok na karne...
CARLOS: Bulok na karne??? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?!
KATIWALA: Wa- Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo.
CARLOS: Patay na kabayo??? Anong patay na kabayo, Arnaldo???
KATIWALA: Eh, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.
CARLOS: Nasisiraan ka na ba ng bait?! Anong kariton ng tubig???
KATIWALA: 'yun pong pinampatay namin ng sunog.
CARLOS: Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo???
KATIWALA: 'yun pong halos tumupok sa bahay niyo. Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy.
CARLOS: Ano?! Oh My God...... Eh, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, ah. Para saan 'yung kandila???
KATIWALA: Para sa burol po.
CARLOS: Ano!? Kaninong burol???
KATIWALA: Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. L ampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko.